Hinimok ng health authorities ang publiko kaugnay sa pagsusuot muli ng face mask bunsod ng naitatalang pagdami ng kaso ng mga respiratory illnesses.
Sa kasalukuyan, maraming mga indibidwal ang nakararanas ng influenza like illnesses o ang trangkaso at isa umanong dahilan ay maaaring ang nararanasang pabago-bagong epekto ng panahon ngayon.
Ayon sa datos ng DOH, tumaas ng nasa 45% ang kaso ng mga influenza-like illness ngayon, mas mataas kumpara noong nakaraang taon sa parehong timeline.
Nakapagtala rin ng apat na kaso ng Mycoplasma pneumonia o mas kilala bilang walking pneumonia bagamat nakapag-recover na rin ang mga ito.
Bagamat hindi bago at karaniwan lamang ang naturang sakit, hinikayat ang publiko na magsuot ng face mask upang mabawasan ang tyansa ng pagkakahawaan.
Mas mainam din ang gawaing ito dahil ngayong holiday season, tiyak ang dagsa ng mas maraming tao sa mga pampublikong lugar tulad ng malls, churches, city proper at iba pa.
Samantala, ugaliin pa ring magpakonsulta kung may nararamdaman sa katawan upang mabigyan ng gamot at agarang matugunan. Ilan lamang sa sa mga sintomas nito ay ang pag-ubo, pagsipon, pagkakaroon ng lagnat, at sore throat. | ifmnews
Facebook Comments