
Hinimok ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) ang mga Pilipino na lumahok sa tatlong araw na rally kontra korapsyon.
Partikular ang rallies na gaganapin sa November 16 hanggang 18 kung saan idadaos ito sa Luneta Park, Maynila at sa EDSA Shrine sa Quezon City.
Ipinaalala rin ni PDP Deputy Spokesman Ferdinand Topacio na ang naturang mga pagkilos ay hindi tungkol sa partisan politics o sa mga personalidad.
Sa halip, ito aniya ay tungkol sa korapsyon na betrayal of the public trust at sa plunder.
Nakasalalay aniya rito ang kinabukasan ng banda at ng susunod na henerasyon.
Facebook Comments










