Publiko, hinimok ng simbahang Katolika na bumuto nang may pananagutan sa Diyos at sa bayan

Manila, Philippines – Hinimok ni Lingayen Archbishop Socrates Villegas ang publiko na bumuto nang may pananagutan sa Diyos at sa bayan.

Ito ang iginiit ni Villegas sa isang video message para sa mga Filipino kaugnay ng paparating na May 2019 midterm elections.

Ayon kay Villegas, ang mga Filipino ay dapat manalangin para malinawan sa kung sino ang karapat-dapat na ihalal sa mga posisyon sa gobyerno.


Isa sa mga dapat aniyang maging pamantayan ng mga mamamayan sa pagboto ay ang sampung utos ng Diyos.

Maliban rito, hinikayat rin ni Villegas ang bawat botanteng Filipino na huwag ipagbili ang kanilang mga boto at huwag ring pababain ang kanilang karangalan.

Facebook Comments