Iginiit ngayon ng Volunteers Against Crime and Corruptions na dapat maging mapagmatyag ang publiko sa mga nanalong kandidato na nasa narcolist ng pamahalaan.
Ayon kay Boy Evangelista, Presidente ng VACC, maaaring ginamit ng mga narcopolitician ang kanilang mga resources para makuja ang panalo kung saan babawiin nila ang mga nagastos sa iligal na paraan.
Sinabi pa ng VACC, nararapat lamang na ibalik na sa bansa ang pagpapatupad ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng firing squad upang ang mga nakagawa ng kasalanan ay hindi na pamarisan pa.
Ilan sa mga dapat parusahan ng kamatayan ay mga karumal-dumal na krimen, drug trafficking at plunder.
Matatandaan na una nang inihayag ng PNP na nasa dalawamput pitong nanalong pulitiko ang pasok sa hawak nilang listahan ng ilang personalidad na sangkot sa kalakaran ng iligal na droga.