
Hinikayat ni Vice President Sara Duterte ang publiko na manatiling mapagmatyag.
Kasabay ito ng unang anibersaryo ng aniya’y pagdukot at pagdala kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands.
Sinabi ni VP Sara na kailangan ding manatiling malaya, tapat, at matatag ang mga institusyon ng Pilipinas laban sa anumang pagtatangkang baluktutin ang hustisya.
Ayon sa pangalawang pangulo, wala aniyang sinumang Pilipino ang dapat pagkaitan ng proteksyon ng Saligang Batas.
Iginiit din ni VP Sara na sa nangyaring extraordinary rendition o kidnapping kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ay isang seryosong paalala na ang batas ay hindi dapat ginagamit na sandata sa pulitika o sa personal na interes.
Hinimok din ng pangalawang pangulo ang taongbayan na patuloy na ipaglaban ang dangal ng ating bansa.










