Publiko, huwag pa ring magpakampante sundin ang health protocols – VP Leni

Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa publiko na manatiling sumunod sa health protocols sa harap ng pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na may pagtaas ng COVID-19 cases sa mga nagdaang araw.

Pero aminado si Robredo maraming tao na ang naiinip at nagiging kampante kapag bumaba ang naitatalang kaso sa kanilang lugar.


Hindi aniya dapat nagpapakampante ang publiko kahit dumating na ang inisyal na supply ng bakuna sa bansa dahil limitado pa lamang ito sa health frontliners.

Facebook Comments