Publiko, inabisuhan ng DOH na maghanda ng medicine kit, alamin ang first aid tips ngayong may banta ng Bagyong Uwan

Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na maghanda ng medicine kit sa harap ng inaasahang pananalasa ng Bagyong Uwan.

Ayon sa DOH, mainam na sasapag para sa tatlong araw ang medicine kit ng mga pangunahing gamot gaya ng paracetamol o ibuprofen para sa lagnat at pananakit ng katawan, oral rehydration salts para sa dehydration, gamot para sa ubo, antacid, antihistamine, antidiarrheal, mefenamic acid, at mga personal na maintenance medicine na para sa hanggang limang araw.

Ipinaalala rin ng Health Department na siguruhing hindi expired o sira ang packaging ng mga gamot, at ilagay ito sa matibay na lalagyan na hindi madaling mabasa o masira.

Bukod sa paghahanda ng mga gamot, pinayuhan din ng DOH ang publiko na alamin ang mga first aid tips lalo na ngayong may bagyo.

Dumarami anila ang kaso ng pagkalunod, nakukuryente, nadudulas, nasusugatan, at hypothermia tuwing may kalamidad.

Facebook Comments