
Nagbabala si Vice President Sara Duterte sa publiko sa posibleng mga kalamidad na maaari pang tumama sa bansa.
Ito ay lalo na aniya’t ang Pilipinas ay disaster-prone nation, climate change vulnerable at nasa Ring of Fire.
Nagbabala rin si VP Sara sa malalaking faultline sa Pilipinas na dapat paghandaan ng publiko.
Ayon sa pangalawang pangulo, bukod sa paghahanda, mahalaga na magkaroon ng sapat na kaalaman ang mamamayan para matiyak ang kaligtasan sa panahon ng natural at man-made calamities.
Pinayuhan din ni VP Sara ang publiko na magdasal at magtiwala sa plano ng Diyos sa mga komunidad at sa personal na buhat ng bawat isa.
Facebook Comments









