Kailangang masanay ang mga Pilipino sa “new normal” kung nais nilang magtagumpay ang bansa sa paglaban nito sa COVID-19.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, importanteng mabago ng mga tao ang nakaugalian o nakasanayan nito at sumunod sa pagbabago dahil kung hindi mahihirapan ang lahat sa pagpigil sa pagkalat ng sakit.
Paulit-ulit pa rin nilang ipinapaalala sa publiko na sundin ang minimum health standards tulad ng pagsusuot ng face masks, social distancing at regular na paghuhugas ng kamay.
Bago ito, sinabi ni Chief Testing Czar at National Policy Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon na disiplina ang kailangan para mapuksa ang virus tulad ng ginawa sa South Korea at Taiwan.
Sa huling datos ng DOH, aabot na sa 63,001 ang kaso ng COVID-19 sa bansa, 21,748 ang gumaling at 1,660 ang namatay.