Publiko, kinalma ng DOH kaugnay ng Guillain-Barre’ Syndrome na side effect ng Janssen vaccine

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na maliit na bilang lamang ng mga naturukan ng Janssen COVID-19 vaccine ang nakaranas ng adverse event na Guillain-Barre’ Syndrome (GBS) na isang uri ng neurological disorder.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, mas malaki pa rin ang proteksyon na makukuha ng publiko sa bakuna kaysa sa side effects nito.

Nanawagan naman ang DOH sa publiko na agad na i-report sakaling makaranas sila ng adverse events ng bakuna lalo na ang GBS.


Inalerto rin ng DOH ang mga doktor at ospital na agad na i-report sa epidemiology and surveillance unit ang mga insidente ng adverse events para agad na makapagsagawa ng imbestigasyon dito.

Una nang binago ng US Food and Drug Administration ang Emergency Use Authorization (EUA) para sa Janssen COVID-19 vaccine matapos na makatanggap ng reports ng pagtaas ng adverse events ng GBS sa ilang tumanggap na nasabing bakuna.

Facebook Comments