Nakikitaan ng Department of Health (DOH) ng pagbaba sa bilang ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mula sa mga nakalipas na linggo, ay nakakapagtala sila ng average na 3,000 na bagong kaso kada araw.
Pero sa ngayon ay nabawasan na ito at umaabot na lamang sa 2,400 cases.
Patunay ito na nagkakaroon ng downtrend sa bilang ng kaso.
Pero iginiit ni Vergeire na hindi pa rin ito ang dahilan para magpakampante ang publiko dahil nagkakaroon pa rin ng case clustering sa ilang bahagi ng bansa.
Patuloy nilang mino-monitor ang mga lugar na may clustering at may pagtaas na growth rates.
Sa datos ng DOH, umabot na sa 324,762 ang kaso ng COVID-19 sa buong bansa, 273,123 ang gumaling habang nasa 5,840 ang namatay.