Publiko, mas mahihikayat magpabakuna kung bibigyan ng reward sa halip na pagbantaan

Naniniwala si Senator Joel Villanueva na sa halip pagbantaan ay mas mahihikayat ang publiko na magpabakuna kung may alok na reward o insentibo tulad ng ginagawa ng mga Local Government Units (LGUs).

Reaksyon ito ni Villanueva sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipapakulong ang mga tatangging magpabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Villanueva, kung kaya ng mga mahihirap na LGUs na magbigay ng reward ay higit itong magagawa ng national government dahil may higit itong kakayahan at pondo.


Ikinatwiran pa ni Villanueva na wala ring kasong pwedeng isampa sa mga ayaw magpabakuna bukod sa kulang pa rin ang suplay ng COVID-19 vaccine sa bansa.

Facebook Comments