Pinag-iingat pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang publiko dahil magdiriwang bukas ng kanilang anibersaryo ang Communist Party of the Philippine-New Peoples Army- National Democratic Front o CPP-NPA-NDF.
Ito ay kasunod ng utos ni NDF Chief Joma Sison sa hanay ng CPP-NPA na magsagawa ng mga pag-atake at panggugulo ngayong Christmas season.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Colonel Noel Detoyato, lahat ng kanilang sundalo sa ground ay patuloy na nagsasagawa ng monitoring at security operations laban sa CPP- NPA-NDF.
Sinabi pa ni Detoyato na handa sila magbigay ng mas mahigpit pang seguridad sa mga komunidad na mamo-monitor ang panggugulo ng NPA lalo na ngayong Christmas season.
Sa kabila naman ng pagtugis sa mga miyembro ng CPP-NPA ay nanawagan pa rin ang pamunuan ng AFP sa mga ito na magbalik loob sa pamahalaan katulad ng mga kasamahan nilang sumuko na upang makasama ang kanilang mga pamilya at makapamuhay ng payapa.