Publiko, may karapatang malaman ang nangyayari sa Bilibid

Iginiit ng National Privacy Commission (NPC) na may karapatan ang publiko na humiling ng transparency sa kamatayan ng high-profile inmates sa New Bilibid Prisons.

Ayon kay NPC Commissioner Raymund Liboro, hindi pwedeng gamitin ang Data Privacy Act para harangin ang ‘right-to-know’ ng publiko.

Aniya, itinuturing na public concern ang pagkakasangkot ng ilang high-profile inmates sa ilang national issues.


Hindi rin ipinagbabawal sa ilalim ng Data Privacy Law ang paglalabas ng impormasyon, bagkus isinusulong pa nito ang ‘free flow’ ng impormasyon.

Maliban sa Data Privacy Law, sinabi ni Liboro na ang Public Health Concerns Act at ang Executive Order ni Pangulong Rodrigo Duterte na Freedom of Information ay magagamit sa kaso ng pagkamatay ng ilang inmate.

Facebook Comments