Muling naglabas ang Bureau of Immigration (BI) ng advisory para paalalahanan ang publiko laban sa mga scammers na nag-o-operate ng pekeng websites.
Ang babala ng Immigration ay kasunod ng mga ulat na may mga pasaherong nabiktima ng pekeng eTravel websites na naniningil ng P3,000 hanggang P5,000.
Dahil dito, sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na libre lamang ang registration sa eTravel platform.
Ito ay sa pamamagitan ng official website na https://etravel.gov.ph.
Hinimok naman ni Tansingco ang mga indibidwal kapag sila ay nakapansin ng mga kahina-hinalang website na nag-de-demand ng online payments na agad itong i-report sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa hotline na 1326.
Facebook Comments