Muling nagpaalala ang isang infectious disease expert sa publiko na iwasan ang mga mass gathering.
Giit ni Dr. Anna Ong-Lim, Infectious Disease Expert at member ng Department of Health-Technical Advisory, kailangang masiguro na walang mangyayaring mga mass gathering dahil sa potensyal nito na maging super spreader events lalo na ngayon na may banta ng Delta variant.
Batay sa tala ng Deparment of the Interior and Local Government (DILG), umabot sa 522 na indibidwal ang naaresto matapos na makitaan ng paglabag sa pagdaraos ng mass gathering mula July 6 hanggang July 11, 2021.
Facebook Comments