Pinag-iingat ng Provincial Health Office (PHO) ng Pangasinan ang publiko sa sakit na dengue ngayong disyembre.
Ayon kay Rhodalia Binay-an ang Provincial Epidemiology Surveillance Unit ng PHO, mahigpit pa ring tinututukan ang nasabing sakit dahil sa mayroong pa ring pag-ulan na nararanasan sa ilang bahagi ng lalawigan at ang pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan.
Sa tala ng PHO, mula Enero hanggang ika-9 ng Disyembre ngayong taon, mayroon ng 7, 117 na kaso ng dengue ang tinamaan ng dengue.
Mataas ito ng 135% kumpara sa naitalang 3, 274 noong nakaraang taon sa parehas na panahon.
Mataas rin ang kaso ng pagkamatay sa sakit ngayong taon na mayroong 36 kumpara noong nakaraang taon na nasa 20 katao.
Payo nito na gawin ang taktak taob strategy upang hindi mabuhay o pamugaran ang isang lugar ng lamok na nagdadala ng dengue. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨