
Hinimok ni Senate Committee on Health Chairman Christopher “Bong” Go ang mga kababayan na i-avail agad ang mga serbisyong medikal na iniaalok ng pamahalaan sa gitna ng patuloy na pagtaas pa ng dengue cases sa bansa.
Sa unang quarter ng taon ay umakyat pa sa mahigit 62,300 ang kaso ng dengue sa bansa na 73% na mas mataas kumpara sa mga kaso noong nakaraang taon sa parehong period.
Pinayuhan din ng mambabatas ang publiko na magdoble ingat sa panahon na ito laban sa nasabing sakit lalo na kapag pumasok ang tag-ulan.
Hinikayat ni Go ang mga Super Health Centers sa bawat lugar sa bansa na maging maagap sa pagtugon sa sakit sa mga komunidad bago pa lumala lalo na ang dengue.
Iminungkahi ng senador na agad magpatingin sa mga centers para makapagpa-check up at makahingi ng agarang lunas sa mga karamdaman.