PUBLIKO, PINAAALALAHANAN SA GITNA NA NG UMIIRAL NA WEATHER SYSTEMS SA BANSA

Hinikayat ng Office of the Civil Defense ang mga lokal na pamahalaan at mga komunidad na maging alerto sa bantang dulot ng bagyong Crising at umiiral na mga weather system sa bansa.

Inaasahan na magdadala ito ng pag-uulan sa ilang mga bahagi ng bansa.

Nananawagan ang OCD sa publiko na maghanda na laban sa posibleng epekto ng bagyo tulad ng baha at pagguho ng lupa.

Muli ring iginiit ang pagtutok sa mga inilalabas na weather advisories na inilalabas sa pamamagitan ng LGUs.

Pinatitiyak din sa mga LGUs ang pag-activate ng kanilang response plans, at pagpreposisyon ng relief items para sa mga posibleng maapektuhan ng bagyo.

Sa Ilocos Region, patuloy na binabantayan ang mga kailugan sa apat na lalawigan na posibleng maapektuhan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments