Manila, Philippines – Hinimok ni Davao City Rep. Karlo Nograles ang publiko na maging mapagmatyag sa kapaligiran kasunod ng pag-atake ng Maute group sa Marawi City.
Ayon kay Nograles, ang mga teroristang ito ay kadalasang nakikihakubilo sa mamamayan kaya dapat na magobserba sa paligid.
Malaki aniya ang maitutulong ng publiko kung agad na mairereport sa mga otoridad ang mga kahina-hinalang tao na mapapansin sa kanilang komunidad.
Sa ganitong paraan ay mapapalakas lalo ang kampanya kontra terorismo.
Dagdag pa ni Nograles, magsilbing wakeup call sa lahat ang nangyaring trahedya sa Marawi at tulungan ang gobyerno kung may nalalaman tungkol sa mga terorista.
DZXL558, Conde Batac
Facebook Comments