Publiko, pinaalalahanan ng BIR na maging mapagmatyag sa mga bibilhing VAT-free maintenance medicines

Manila, Philippines – Umapela ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa publiko na maging mapagmatiyag sa bibilhing maintenance medicine na wala nang Value Added Tax (VAT).

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Marissa Cabreros, dapat sa botika pa lamang ay natitiyak na ng publiko na VAT-free na ang kanilang mga binibiling maintenance medicine para sa diabetes, altapresyon, at cholesterol.

Sabi naman ni Health Undersecretary Eric Domingo na pinag-aaralan na rin ng DOH na isama ang mga gamot ng cancer patients sa listahan ng VAT-free.


Aniya, pinag-uusapan na nila ng isang interagency working group ang panukala.

Tiniyak naman ni Food and Drug Administration (FDA) director Nela Charade Puno, na mahigpit nilang babantayan ang mga botika at sisiguraduhing de-kalidad pa rin ang ibinebentang mga gamot kahit na wala na itong karagdagang buwis.

Facebook Comments