Thursday, February 26, 2026

Publiko, pinaalalahanan ng DFA na huwag lalagyan ng stamps o marking ang kanilang passport

Pinaalalahanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Philippine passport na iwasang maglagay ng hindi awtorisadong stamps o markings sa kanilang Philippine ePassports.

Ayon sa DFA, magiging imbalido ang ePassport kapag na-tamper ito.

Nagbabala rin ang DFA na ito ay may katapat na parusa sa ilalim ng batas ng Pilipinas.

Nagpaalala rin ang DFA na ang paglalagay ng stamps sa ePassport ay dapat ipinauubaya sa mga awtorisadong opisyal.

Ito ay dahil ang Philippine ePassport ay pag-aari ng pamahalaan ng Pilipinas.

Facebook Comments