Publiko, pinaalalahanan ng DOT na huwag makipagtransaksiyon sa mga hindi lehitimong travel agency

Muling nagpaalala ang Department of Tourism o DOT sa publiko na huwag makipagtransaksiyon sa mga travel agency na hindi accredited sa ahensya.

Kasunod na rin ito ng reklamo sa DOT ng isang travel agency sa Cordillera Administrative Region o CAR na gumagamit ng iba’t ibang opisina para sa kanilang operasyon.

Dahil dito, iniimbestigahan na ng DOT ang naturang travel agency dahil sa kabila ng paulit-ulit na pakikipag-ugnayan ng DOT ay hindi na sila sumasagot sa tawag at hindi na rin operational.

Isinailalim na rin sa administrative proceedings ang naturang kumpanya na hindi naman sumusunod sa pamantayan ng pamahalaan.

Dahil dito, pinayuhan ng DOT ang publiko na mag-ingat sa mga ganitong agency.

Layon lamang daw ng DOT sa kanilang hakbang na maprotektahan ang publiko at mapanatili ang kaayusan sa industriya ng turismo.

Facebook Comments