Nagpaalala ang Malacañang sa publiko kaugnay sa obligasyon sa pagbabayad ng tamang buwis.
Sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO), ngayong linggo ay ipinagdiriwang ng bansa ang tax consciousness week.
Ayon kay ni PCO Secretary Cheloy Garafil na sa batay na rin ito ng Proclamation No. 357 Series of 1968.
Sinabi ni Garafil, mahalaga at malaki ang maitutulong ng buwis ng bawat Pilipino sa mga programa at proyekto ng gobyerno tungo sa mas maunlad at magandang pilipinas.
Paalala pa ng palasyo, sa April 15 ang deadline ng filing ng income tax return o ITR.
Facebook Comments