Pinaalalahanan ngayon ng IPHO Maguindanao ang publiko kasabay ng sobrang init ng panahon na nararanasan.
Mas nakakabuting uminom ng maraming tubig at iwasan ang magbilad sa ilalim ng sikat ng araw ayon pa kay IPHO Maguindanao Director Dr. Tahir Sulaik sa naging panayam ng RMN Cotabato.
Heat Stroke, LBM , chickenpox at tigdas ang ilan lamang aniyang karamdaman maaring maidulot ng init ng panahon.
Matatandaang naitala sa Cotabato City at Maguindanao ang may pinakamainit na temperatura sa nakalipas na weekend.
Kaugnay nito muling nagpapaalala si Dr. Sulaik na kumain ng mga pagkaing maaring makatulong sa dehydration katulad na lamang ng prutas at gulay kasabay ng papalapit na summer season.
Facebook Comments