Publiko, pinag-iingat laban sa cyber attacks kasunod ng insidente ng online banking fraud

Nanawagan ang Bankers Association of the Philippines (BAP) sa publiko na maging mas maingat laban sa mga cyber attacks.

Kasunod na rin ito ng pangha-hack sa online banking accounts ng ilang kliyente ng BDO Unibank sa pamamagitan ng hindi otorisadong fund transfer.

Babala ni BAP President Jose Arnulfo Veloso, huwag basta-basta ipagkatiwala sa iba ang mga personal na impormasyon tulad ng one-time password.


Samantala, hinimok naman ni Senator Grace Poe ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon kaugnay sa nangyaring pangha-hack.

Aniya, dapat mapigilan ang mga ganitong klase ng insidente gayong talamak ang online transactions ngayong pandemya at papalapit na Kapaskuhan.

Hindi sapat para kay Poe ang solusyon ng BSP na ibalik sa mga kliyente ang nakuha sa kanilang pera.

Facebook Comments