Pinag-iingat ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang publiko laban sa mga online at travel scams na lumalaganap tuwing summer season.
Ayon kay Department of Transportation- Cybercrime Investigation and Coordinating Center (DOTR-CICC) Executive Director Undersecretary Alexander Ramos, sinasamantala ng mga sindikato ang pambibiktima sa mga bakasyunita kaya dapat na maging mas mapagbantay ang publiko laban sa iba’t ibang online scam activities.
Hinimok din ng CICC ang publiko na tumawag sa Inter-Agency Response Center (I-ARC) Hotline 1326 sakaling mabiktima ng travel scams.
Kabilang aniya sa mga modus ang fake accommodation, fake travel agents, overpriced tours, mga pekeng pera, alok na murang plane ticket at ang pagbebenta sa Facebook ng lost baggage.