Manila, Philippines – Umapela ang Armed Forces of the Philippines sa publiko na magingat laban sa mga scammers na nagkalat ngayon.
Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, ginagamit ng mga scammers ang mga benefit dinner, lunch at iba pang pamamaraan para makakuha ng pera mula sa kanilang mga biktima sa pagsasabi na ang kanilang ginagawa ay para sa Armed Forces of the Philippines at sa mga biktima ng bakbakan sa Marawi City.
Ayon kay Padilla, dalawa lang ang opisyal na bank accounts sa Land Bank of the Philippines na binuksan ng pamahalaan para sa mga sundalo at biktima gulo.
Dapat aniyang maging mapagmatiyag ang publiko at isumbong ang mga makikitang ganitong iligal na gawain upang mapanagot ang mga nasa likod nito.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na ang opisyal na bank account names kung saan maaaring idiposito ang kanilang donasyon ay, AFP Marawi Casualty at Marawi IDP.
Sa ngayon aniya ay umabot na sa mahigit kalahating milyong piso ang donasyon para sa Marawi Casualty at nasa halos 200,000 libong piso ang para sa Marawi IDP.