
Pinag-iingat ng mga lokal na airline ang publiko laban sa pagbili ng airline tickets mula sa mga hindi otorisadong nagbebenta ng flights.
Partikular na tinukoy ng mga airline ang mga transaksiyong gumagamit ng peke o nakaw na credit cards, na kadalasang nagreresulta sa kanselasyon ng booking at posibleng pananagutan ng mga biktima.
Nakikipag-ugnayan na ang mga lokal na airline sa National Bureau of Investigation (NBI), Department of Trade and Industry (DTI), at Civil Aeronautics Board (CAB) upang imbestigahan ang mga nasa likod ng naturang panloloko.
Layon din ng hakbang na ito na mabalaan ang publiko na mag-book lamang ng flights sa pamamagitan ng opisyal at otorisadong channels ng mga airline.
Kinansela na rin ng mga airline ang mga booking na nabiling gamit ang peke at nakaw na credit cards.









