Publiko, pinag-iingat ng CICC laban sa mga nambibiktimang scammer sa online marketplaces ngayong holiday season

Nagpaalala ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa mga online shoppers ngayong Kapaskuhan laban sa mga scammer na aktibong nambibiktima sa mga online marketplace.

Ayon kay CICC Undersecretary Aboy Paraiso, inaasahan nilang dadami ang online purchases ngayong panahon ng Christmas bonus, kaya mas dumarami rin ang mga scammer na nag-aalok ng mababang presyo at nagpapanggap bilang lehitimong sellers.

Dagdag pa niya, hindi lamang mamimili ang nabibiktima—maging delivery riders ay nadadamay sa modus kung saan pinagbabayad sila para sa package na kalauna’y mapapatunayang peke o walang laman.

Nanawagan si Paraiso sa publiko na bumili lamang mula sa lehitimo at kilalang shopping platforms upang maiwasan ang online scam ngayong holiday season.

Facebook Comments