Publiko, pinag-iingat ng CICC laban sa reward points text scam

Nagbabala ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center o CICC sa publiko laban sa reward points text scam na nagpapanggap na mula sa isang lehitimong telecommunication company.

Partikular na ang mensahe na mag-e-expire na ang reward points ng isang subscriber at kailangan na itong i-redeem sa pamamagitan ng isang link.

Payo ng CICC sa publiko, maging mapanuri sa ganitong mga scam at alamin ang mga red flag.

Kabilang sa mga mensahe na ipinapadala ng mga scammer ang urgency ng text para hindi na makapag-isip ang biktima at agad nitong iki-click ang kahinahinalang link.

Sinabi pa ng CICC kapag nakatanggap ng ganitong link ay mainam na suriin munang mabuti ang text message bago tumugon.

Huwag agad i-click ang link, huwag agad magbayad para sa reward, huwag ibahagi ang personal na impormasyon at one time password o OTP, i-verify ang mensahe sa official na source at agad i-report ang kahinahinalang mensahe sa telecom company at CICC hotline na 1326.

Facebook Comments