MANILA – Muling nag-paalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na mag-ingat laban sa mga usong sakit ngayong tag-init.Ayon kay DOH Spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy, inaasahan ng dadami ang insidente ng allergic conjuncitivitis o sore eyes, heat stroke, diarrhea at rashes o sakit sa balat.Aniya, maaari naman itong maiwasan sa pamamagitan ng agarang pag-papatingin sa mga doktor.Mahalaga rin aniyang malinis at maaliwalas ang paligid upang makaiwas sa sakit.Dagdag pa ni Lee Suy, dapat ding bantayan ang mas mabilis na pagkapanis ng mga pagkain dahil sa maalinsangang panahon na maaaring magdulot ng food poisioning.Ilan sa sintomas ng food poisoning ay pananakit ng tiyan, pagsusuka, pagdudumi, at kung minsan ay lagnat.Sakali namang makaramdam ng alinman sa mga nasabing sintomas ay kumonsulta agad sa doktor.
Publiko, Pinag-Iingat Ng Dept. Of Health Sa Mga Nauusong Sakit Ngayong Summer
Facebook Comments