
Pinag-iingat ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac ang publiko laban sa naglipanang illegal recruiters.
Ito ay matapos na ilang Pinoy ang maaresto sa Nigeria matapos na masangkot sa cryptocurrency at love scam operations doon.
Ilan sa mga Pinoy ay nakauwi na sa bansa matapos na maaresto sa raid sa Nigeria noong nakaraang taon.
Nabatid na sila ay pinangakuan ng USD$1,000 na sweldo kada buwan at kinuha ang kanilang passport.
Nabatid na minaltrato sa Lagos, Nigeria ang 39 Filipinos na biktima ng human trafficking.
Facebook Comments









