Publiko, pinag-iingat ng DOH laban sa mga pekeng mensahe hinggil sa organ trafficking

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa mga naglipanang mensahe hinggil sa iligal na kalakalan ng laman loob ng tao.

Sa inilabas na abiso ng DOH, iginiit nitong hindi lumalahok ang mga ospital at healthcare facilities sa ganitong gawain.

Dadag pa rito, patuloy ang pagsasagawa ng ligtas at boluntaryong organ donations.


Ipinunto ng kagawaran na magdadala ito ng takot at pangamba sa mga taong nais makatulong sa mga taong nangangailangan ng organ donation at mga potential donors.

Nanawagan din ito sa kanilang mga partners, stakeholders at sa media na tumulong sa pagpigil ng maling impormasyon na inilalabas sa publiko.

Facebook Comments