Nagbabala sa publiko ang Department of Health (DOH) hinggil sa chikungunya at dengue sa harap ng mga pag-ulan.
Ang naturang mga sakit kasi ay mula sa kagat ng lamok.
Bunga nito, pinayuhan ng DOH ang publiko na sirain ang mga pinamumugaran ng lamok at protektahan ang sarili sa pamamagitan ng pagsusuot ng pantalon at ng damit na may mahabang manggas.
Mainam din anilang maglagay ng mosquito repellent.
Pinayuhan din ng DOH ang publiko na agad na sumangguni sa doktor kapag nakaranas ng sintomas ng mga nabanggit na sakit.
Facebook Comments