Publiko, pinag-iingat ng DOH sa mga processed food

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na iwasan ang labis na pagkain ng ultra-processed food.

Ito ‘yung karaniwang inihahanda tuwing Pasko at Bagong Taon.

Ayon sa Health Department, maaaring magdulot ng masamang epekto sa kalusugan kapag labis na nakonsumo ang mga pagkaing sobrang pinroseso ay may mataas na preservatives, asin, at asukal.

Hinikayat rin ng DOH ang publiko na maging maingat sa pagpili ng pagkain upang mapanatili ang kalusugan ng buong pamilya ngayong Kapaskuhan at pagpasok ng Bagong Taon.

Bilang gabay naman para sa mas ligtas at masustansiyang handaan, nagmungkahi ang National Nutrition Council ng mas healthy food choices ngayong holiday season.

Facebook Comments