Publiko, pinag-iingat ng DSWD sa fake text

Pinag-iingat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko sa kumakalat na text messages na nagsasabing mga ‘unclaimed’ relief allowances.

Ayon sa DSWD, walang ipinapadalang mga text messages ang DSWD para sa mga allowances.

Binalaan din ng DSWD ang publiko na iwasang magbigay ng mga sensitibo at personal na impormasyon sa pamamagitan ng text message, email, o phone call.


Ginawa ng DSWD ang babala matapos may magreklamo na naloko sa text messages.

Pinapayuhan ng DSWD ang publiko na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan sa pamamagitan ng pagtawag sa numerong 8931-8101 local 10125/10157 o email sa socialpension@dswd.gov.ph.

Facebook Comments