PUBLIKO PINAG-IINGAT NG MGA HEALTH EXPERTS SA SAKIT NA LEPTOSPIROSIS

Pinag-iingat ngayon ng mga health experts ang publiko sa sakit na leptospirosis na kadalasang nakukuha tuwing tag-ulan dahil sa paglusong sa baha.
Ang sakit na leptospirosis ay isang uri ng bacterial infection na nagmumula sa ihi ng daga.
Ayon sa Center for health Development 1 Information Officer Dr. Rhuel Bobis, nakapagtala na sila ng sampung kaso ng leptospirosis sa region 1 simula pa noong Enero hanggang Mayo ngayong taon.
Dagdag pa nito, isa ito sa binabantayan ng kanilang ahensya dahil bukod sa dengue isa rin ito sa tumataas ang kaso tuwing tag-ulan.

Samantala, ilan sa sintomas ng sakit na ito ay biglaang pagkakaroon ng lagnat na may pananakit ng kalamnan lalo na sa bahagi ng binti, matinding sakit ng ulo, pamumula ng mata, paglaki ng atay, pananakit ng tiyan maliit na mapulang paltos sa balat, paninigas ng leeg at hirap sa pag-ihi.
Sa ngayon, naka activate na ang express lane ng mga ospital sa probinsya ngunit dahil may Covid19 pa kailangang sumailalim muna ang mga ito sa triage area. |ifmnews
Facebook Comments