Publiko, pinag-iingat ng Philippine National Police sa pagpo-post sa social media sa semana santa

Pinayuhan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na iwasang magpo-post sa social media ng kanilang mga aktibidad ngayong nalalapit na Semana Santa.

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde – kapag uuwi ng probinsya o magbabakasyon, siguraduhing i-secure ang mga tahanan mula sa mga magnanakaw o akyat bahay.

Sa ilalim ng “Ligtas Sumvac 2019”, magpapakalat ang PNP ng mga tauhan nito sa mga pampublikong lugar.


Ang pagpapatupad ng summer security plan ay magtatapos sa pagbubukas ng klase sa Hunyo.

Samantala, ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ay naka-full alert sa holy week kung saan higit 11,500 na pulis ang magbabantay sa Metro Manila.

Facebook Comments