Nagbala ang pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa publiko hinggil sa mga nagbebenta ng ticket sa bus sa labas ng terminal.
Kaugnay nito, pinapayuhan ng PITX ang mga pasahero na direktang bumili ng ticket sa ticket booths sa loob ng central terminal.
Kinumpirma naman ng PITX na sa ngayon pumapalo na sa mahigit 130,000 na mga pasahero ang dumadagsa terminal kada araw.
Inaasahang lalo pang tataas ang volume ng mga pasahero simula bukas.
Nagpapatupad na rin ang PITX ng mahigpit na seguridad katuwang ang Philippine National Police (PNP).
Samantala, patuloy na nakakakumpiska ang mga awtoridad ng mga patalim at lighter mula sa mga pasaherong pumapasok sa PITX kaya pinapayuhan ang mga pasahero na iwasang magdala ng mga deadly weapon at flammable item.