Publiko, pinag-iingat pa rin bagama’t bumaba na ang kaso ng dengue sa bansa

Pinag-iingat pa rin ng pamahalaan ang publiko kahit na bumaba na ang kaso ng dengue sa bansa.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson Usec. Myrna Cabotaje na bumaba ng 15% ang kaso ng dengue sa bansa mula Enero hanggang Abril ngayong taon, kumpara noong nakalipas na taon sa parehong panahon.

Sa kabila nito, pinag-iingat pa rin ang publiko at pinaghahanda naman ang mga ospital sa pagtanggap ng mga pasyente.


Sinabi rin ni Cabotaje na nagkaroon lamang ng konting pagtaas sa kaso ng dengue mula week 12 hanggang week.

Naitala ang mga kasong ito sa Region 3 na mayroong 2858 na kaso, Region 7 na mayrong 2905 na kaso, at National Capital Region na 2339 na kaso.

Naitala naman ang 126 na mga namatay o katumbas ng 0.6% case fatality rate.

Kontrolado naman aniya ang mga kaso sa Eastern Visayas.

Facebook Comments