Publiko, Pinag-iingat sa 2 Impostor na Manggogoyo!

42

*Cauayan City, Isabela- *Pinag-iingat ngayon ang publiko sa dalawang indibidwal na nabistong nagpapanggap na umano’y mga empleyado ng Provincial Administrator’s Office.

Batay sa inilabas na babala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela, pinapayuhan ang publiko na mag-ingat kina Jon Maquipas at Jane Garcia na may contact number na 0995-7236-669 dahil sa kanilang panloloko.


Ang dalawa ay napag-alaman na nakikipag usap umano sa iba’t-ibang ahensya at LGU sa Lalawigan ng Isabela at sinasabing sila’y empleyado ng Kapitolyo.

Kinumpirma naman ng Provincial Administrator’s Office na hindi konektado sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang dalawa.

Kaugnay nito, pinapayuhan din ang publiko na isagawa lamang sa mga opisina at sa loob ng Isabela Provincial Capitol ang anumang gagawing pakikipag-usap o transaksyon sa kapitolyo.

Facebook Comments

From Advertisers