Publiko, pinag-iingat sa bagong variant ng COVID-19 na Omicron

Nagbabala ngayon ang isang infectious disease expert sa publiko na maging mapagmatyag at mahigpit na sundin ang mga health protocols kasunod ng pagkakadiskubre sa bagong variant ng COVID-19 na Omicron sa South Africa.

Ayon kay DOH Vaccine Expert Panel Member at Infectious Diseases Expert Dr. Rontgene Solante, kung ang Delta Variant ay mataas na ang transmissibility kaya maraming na-aadmit sa ospital at nagkakasakit ng severe, posibleng mas mataas pa at nakakahawa ang Omicron.

Sinabi ni Solante na batay evaluation ng World Health Organization, nakita nila kung gaano kadelikado ang mutation ng virus at mas mataas ang transmissibility nito kaysa sa Delta Variant kaya agad na nagpatupad ng border control sa mga bansang meron nang Omicron.


Una nang pinangalanan ng WHO ang B.1.1.529 variant bilang Omicron COVID-19 variant na una nang na-detected sa South Africa at isa ngayong “Variant of Concern”.

Facebook Comments