Publiko, pinag-iingat sa mga gumagamit sa pangalan ni Secretary Andanar

Manila, Philippines – Nanawagan si Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa publiko na huwag maniniwala sa mga nanunulisit gamit ang kanyang pangalan o ang kanyang tanggapan na Presidential Communications Operations Office.
Ito ang sinabi ni Andanar kasunod narin ng nakarating sa kanilang sumbong na ginagamit ang Pangalan ni Andanar para makahingi ng pera sa mga pribadong indibidwal at kumpanya at maging sa ilang tanggapan ng gobyerno.
Sinabi ni Andanar, kung makatatanggap ng anomang mensahe na nanghihingi ng donasyon o anomang paraan para makahingi ng pera ay agad itong isumbong sa kanilang tanggapan sa numerong ‎733-3624.
Binigyang diin ni Andanar na hindi pinahihintulutan ng batas ang panghihingi o panunulisit ng anomang tanggapan ng pamahalaan sa publiko.

Facebook Comments