Publiko, pinag-iingat sa mga naglipanang online lending apps sa internet

Pinag-iingat ni Senator Sherwin Gatchalian ang publiko sa mga naglipanang online lending apps na may kakayahang makuha ang mga pribadong impormasyon ng isang indibidwal.

Sinabi ni Gatchalian na batay sa pakikipag-usap niya sa financial technology experts, may mga app ngayon na kayang makuha ang mga pribadong impormasyon ng isang indibidwal tulad ng contact numbers, mga lugar na pinupuntahan at kung ano ang trabaho o pinagkakaabalahan.

Dapat aniya na magduda ang isang indibidwal kung ang uutangan ay masyadong madali ang proseso dahil tiyak na may kapalit ito.


Sa normal aniyang proseso, tinitignan pa ng kompanya ang kapasidad ng isang tao na makapagbayad ng utang bago siya pautangin upang hindi ito malubog sa problemang pampinansyal.

Pinatitiyak ni Gatchalian sa mga nais umutang na awtorisado ang kompanyang pag-uutangan at accredited ito ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Facebook Comments