Publiko, pinag-iingat sa mga nauusong sakit sa tag-init

Sa General Santos, Pinag-iingat ngayon ng Gensan City Health Office ang publiko sa anim na sakit na nauuso ngayong tag-init.

Ang nasabing mga sakit na kalimitang dumadapo tuwing tag init ay ang sore eye, lbm, ubo at sipon, sun burn, sakit sa balat, at sakit mula sa kagat ng aso at pusa.

Ayon kay Dr. Jet Oco, City Health Officer ng Gensan na dapat iwasan ng publiko na mag babad sa init ng araw at ugaliing uminom ng maraming tubig.


Kung lalabas naman ng bahay dapat may proteksyon sa katawan kagaya ng paglalagay ng sun block lotion o magdala ng  payong para mabawasan ang magiging epekto ng init ng araw sa katawan.

Napag-alaman na kahapon nasa 37. 8 Degree celsius ang heat index sa Gensan, hindi pa naman ito delikadong heat index pero sa Cotabato City muabot ng 44.6 Degree celsius ang kanilang heat index  noong araw ng Lunes kung saan pelegroso na ito sa kalusugan ng mga tao base sa pahayag ng mga health expert .

Payo naman ni Dr. Oco sa publiko na kung may nararamdaman ng sakit dapat magpakonsulta sa mga doctor o dumulog sa mga health centers sa kanikanilang mga barangay para agad itong mabigyan ng lunas at hindi na lumala.

Facebook Comments