Publiko pinag-iingat sa mga sakit sa panahon ng tag-ulan

Pinag-iingat ng mga eksperto ang publiko laban sa mga sakit na karaniwang sumusulpot ngayong panahon nang tag-ulan.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Rontgene Solante isang Infectious Diseases Specialist na pangunahin sa mga sakit na ito ay Dengue, trangkaso at leptospirosis.

Ayon kay Solante, pareho lamang ang mga sintomas ng mga sakit na ito sa sintomas ng COVID-19.


Kabilang na dito ang lagnat, pananakit ng katawan, sakit ng ulo at panghihina.

Dahil dito, ipinapayo ni Solante na maglinis ng paligid upang hindi pamugaran ng lamok, magpa-flu vaccine kung kailangan at iwasang sumulong sa mga baha.

Kinakailangan ding magpalakas ng resistensya upang hindi kapitan ng sakit.

Facebook Comments