Publiko, pinag-iingat sa pagbili ng hot meat o karne na hindi dumaan sa inspeksyon

Pinag-iingat ng mga awtoridad ang publiko sa tinatawag na hot meat o mga karne na hindi dumaan sa masusing inspeksyon.

Ito ay kasunod ng pagsisimula ng “Ber Months”.

Ayon sa Manila Veterinary Inspection Board o VIB, ngayon papalapit na ang holiday season ay nagiging talamak ang mga puslit na produkto.


Maliban sa nakakaapekto ito sa lokal na merkado, mapanganib din ito sa kalusugan at kaligtasan ng tao.

Kaya naman, pinapayuhan ang publiko na maging mabusisi at huwag basta-basta bibili ng mga produkto na hindi alam kung saan nagmula o paano ginawa.

Matatandaang, noong Miyerkules ay aabot sa 20 na kahon ng luncheon meat ang nasamsam sa Tondo, Maynila dahil sa paglabag sa Food Safety Act, Consumer Act of the Philippines at sa panuntunan ng Food and Drug Administration (FDA).

Facebook Comments