Publiko, pinag-iingat sa panibagong kumakalat na “rewards scam”

Binalaan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang publiko hinggil sa panibagong scam na kumakalat ngayon sa cyberspace.

Ayon kay CICC Executive Director Alexander Ramos, ang nasabing scam ay nagpapanggap na mula sa Globe Telecom at target na kunin ang mga personal na impormasyon ng isang indibidwal.

Ginagamit umano na domain ng nasabing modus ay Globe PH at ipinadadala sa pamamagitan ng text.


Ang modus, mag-e-expire na ang rewards point ng nasabing telco at kailangan muling mag-redeem.

Kapag napindot na ang link, doon na hihini ng personal na impormasyon kabilang na ang account number o bank account.

Sa huli, pinangako ng ahensya na hindi sila titigil sa pagtugis sa mga hindi kilalang sources para agad masampahan ng reklamo.

Facebook Comments