Publiko, pinag-iingat sa pekeng FB account ni Congresswoman Villar

Pinag-iingat ni House Deputy Speaker and Las Piñas Representatvie Camille Villar ang publiko laban sa pekeng Facebook account na ginagamit ang kaniyang pangalan.

Sabi ni Villar, ginagamit ito at nagpapanggap na siya o representative niya para makapanloko.

Ayon kay Villar, ang target na biktima ay aalukin ng negosyo at hihikayatin na mamuhunan.


Bunsod nito ay pinayuhan ni Congresswoman Villar ang publiko na agad i-report sa mga awtoridad sakaling makatanggap sila ng mensahe mula sa naturang peke niyang FB account.

Diin ni Villar, ang lahat ng lehitimong anunsya niya o mensahe ay naka-post lamang sa kaniyang official social media accounts.

Facebook Comments